WATAWAT NG PILIPINAS
Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may araw na walo ang sinag, at tatlong bituin, parehong kulay ginto, at nakapatong sa puting tatsulok na equilateral. Sa gawing taas ng natitirang bahagi ay ang kulay asul at sa ibaba nito ang kulay pula. Ang pagkakabagay-bagay ng watawat ay 1:2.
Ang watawat ay unang naisip gawin ni Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Josefina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang bandila sa Hong Kong. (Sa ibang aklat, ang pangalan ng pamangkin ay Delfina Herbosa de Natividad.)
Ito ang paglalarawan sa orihinal na watawat ng Pilipinas na na-konsepto ni Hen. Emilio Aguinaldo. Mas marahan ang kulay asul nito kaysa sa kasalukuyang pinag-uutos na kulay royal blue, mas marami itong sinag noon pero walo rin ang naging mga dulo, at may mahiwagang mukha.
Ito ang paglalarawan sa orihinal na watawat ng Pilipinas na na-konsepto ni Hen. Emilio Aguinaldo. Mas marahan ang kulay asul nito kaysa sa kasalukuyang pinag-uutos na kulay royal blue, mas marami itong sinag noon pero walo rin ang naging mga dulo, at may mahiwagang mukha.
Ayon sa Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ng Hunyo 12, 1898, ang puting tatsulok ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon.
Ang tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa:
Luzon, Visayas, at Mindanao,
*Bagama't sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ang isa sa tatlong bituin nito ay orihinal na kumatawan sa isla ng Panay, imbes na Visayas. Gayunpaman, kapwa silang nagpapahiwatig ng mismong ideya: ang pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na tao at kultura sa iisang Nasyon.
Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila:
Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas.
*Bagaman tinuturing na isang lungsod ang Maynila, ang pagkakadagdag nito sa lupon ay wasto sapagka't noong 1898, ang Maynila at ang kanyang mga suburbyo ay pinangasiwaan bilang isang hiwalay at nagsasariling probinsya. Ang lalawigang ito ay kilala ngayon bilang Pambansang Kabiserang Rehiyon.
Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan. Sinasabing hinalintulad ang bandila sa bandila ng Cuba na, tulad ng Pilipinas, ay nakikibaka para sa kalayaan mula sa Espanya noong panahong din yon.
Ito ang unang opisyal na watawat na naglayong irepresenta ang bansa. Ginawa ng Katipunan sa Naic, Cavite noong 1897.
Ang lilim na bughaw na ginamit sa itong watawat ay naging paksa ng kontrobersiya ng halos siyamnapung taon na ang tanda. Mula 1920 hanggang 1985, ang lilim ay navy blue hanggang sa inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na baguhin ito sa lilim na sky blue, mula sa abiso ng mga sirkulong kasaysayan, sa mismong lilim na ginamit sa bandila ng Cuba, na ka-alyado ng bansa noon laban sa Espanya. Dahil sa kakulangan sa materyal at istandardisasyon noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ang mga taga-suporta ng lilim "navy blue" at "sky blue" ay nagpasa ng kanikanilang katibayan na kapwang sumasalungat sa bawat argumento.
Habang klarong nilalahad ng mga opisyal na dokumentong rebolusyonaryo na ang orihinal na lilim ng asul na ginamit sa unang bandila ay azul oscura, na kung isasalin sa Filipino ay "malabong bughaw" o madilim, at kung ano ang eksaktong lilim na tinutukoy nito ang siya pa ring magiging paksa ng debate sa mga susunod na taon. Sumasang-ayon ngayon ang mga historiador na ang azul oscura na tinutukoy ay isang mas malalim na lilim kaysa sa sky blue, ngunit mas marahan naman sa navy blue.
Para pagpahingahin na ang kontrobersiya, ang kasalukuyang inuutos na lilim ay royal blue, ayon sa Aktong Pangrepublika Blg. 8491. Sa kasamaang palad, ang kilos na ito ay naglikha ng panibagong kontrobersiya sa pagitan ng mga historiador at pulitiko ukol sa kung maaaring gawin ito ng gobyerno na baguhin ang mga sagisag ng kasaysayan at orihinal na kahulugan ng mga ito para lang sa kaginhawaan ng lahat.
Ang watawat ng Pilipinas ay walang-kapares, sapagka't maaari nitong ipakita ang isang kalagayan ng digmaan. Kapag ang bandila ay naka-baligtad at nasa ibabaw ang pula (o nasa kaliwa kung ito ay nakatanghal na patayo), ang ibig sabihin nito ay ang Pilipinas ay nasa nakasabak sa digmaan. Ito ay unang itinaas noong Ika-4 ng Pebrero, 1899, sa simula ng labanan ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa mga taong 1899-1913.
Panuntunan sa paggamit
Ayon sa seksyon 12 ng batas, “kapag ang watawat ng Pilipinas ay itataas kasama ang iba pang watawat, at kung ito ay parehong pambansang watawat, ito ay dapat itaas sa magkahiwalay na poste o lalagyan, na may parehong sukat at parehong laki ng watawat.”
Kinakailangan din na kapag ang watawat ay nakabitin o nasa nakatayong posisyon, ang asul na bahagi ay dapat na nasa kanan (nasa kaliwa ng tumitingin). Dahil sa kadalasang makikita ang watawat ng Pilipinas sa mga paaralan, opisina at entablado, nararapat lamang na ilagay sa kaliwa ang watawat (kapag nakaharap sa entablado) o kaya naman sa kaliwang bahagi ng opisina sa pagpasok.
Kapag ang asul na bahagi ng watawat ay nasa itaas, nangangahulugan ito na payapa ang bansa. Kapag ang pula naman ang nasa itaas, nangangahulugan ito na may giyera.
Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat
Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay.
Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak.
Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club, casino at ibang lugar ng pasugalan.
Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme.
Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat.
Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda. Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Pilipino